Ang marahang pagkain sa pisngi ng buwan,
May mga bagay na ‘di matanto at hindi mapigilan.
May mga bagay na ‘di matanto at hindi mapigilan.
Ibigin man nating yakapin ang lawak ng dagat,
At sadyang hulihin ang pagkurap ng tala,
May mga bagay na ‘di mahuli at hindi masansala.
At sadyang hulihin ang pagkurap ng tala,
May mga bagay na ‘di mahuli at hindi masansala.
Ngunit kahit ako’y lumayo, huwag ka sanang malungkot
Taglay mo pa rin ang aking pag-ibig sa iyong puso.
Taglay mo pa rin ang aking pag-ibig sa iyong puso.
Ibigin man nating abutin ang dulo ng langit,
At ating habulin ang talim ng kidlat
May mga bagay na di mahabol,
Laging isang hiwaga.
At ating habulin ang talim ng kidlat
May mga bagay na di mahabol,
Laging isang hiwaga.
(Hiwaga, copyright of the Jesuits)
Ang buhay ng tao ay isang malaking hiwaga, tulad ng pagmamahal, isang napakalaking hiwaga, ngayon nararamdaman mo, mamaya hindi na, iniisip mo ngayon, bukas makalawa, hindi na, naaalala mo ngayon, bukas hindi na.
Tila isang laro ang pagmamahal, masaya, nakakapagod, nakakasawa, nakakagalit, nakakagigil. pero sa dulo ng lahat ng ito, isa pa ring napakalaking hiwaga nito, hindi maarok ng isip natin, tanging nararamdaman lamang, may mga bagay na sadyang di talaga maipaliwanag.
Ang yong mukha ay tila isang bakas ng kahapon at anino ng bukas, alam ko ang bawat detalye nito ang sukat, ang hugis, ang posisyon, ngunit nananatili ka pa ring isang hiwaga.
Ang pagmamahal ng Diyos ay isang napakalaking Hiwaga para sa atin. Hindi maarok ng isip ngunit nararamdaman ng puso.
Ang pagmamahal ng Diyos ay isang napakalaking Hiwaga para sa atin. Hindi maarok ng isip ngunit nararamdaman ng puso.
No comments:
Post a Comment